I do not know if somebody would even read this hehehe but just the same I would like to share a few things that some people do not know about me. Medyo mahaba pero I hope those who would bother reading this would enjoy reading it.
1. Contrary to popular belief, mahiyain ako. Pwede kayong matawa or di maniwala sa sinasabi ko hehe. It is often mistaken na I’m suplado/snob maybe because I’m not smiling always or for some other reason. But it’s just that sometimes nahihiya akong lumapet sa tao for fear of getting rejected. It happened na kasi before, so I guess natakot lang ako and up until now, I sometimes feel this way.
2. Kung mahilig kang kumaen ng mangga at bagoong magkakasundo tayo, kahet ilan pa yan. Lalo na yung manggang kalabaw at yung masarap na bagoong. Patok yun!
3. Mahilig akong bumuo ng mga gundam kits at kahet na anong model kits for that matter ( motor at car kits din).
4. Torpe ako, mahiyaen sa babae hanggang college. Hindi sa nagyayabang pero nung HS ako eh exclusive school ako. Pero ang dami na din nagkagusto saken na hindi ko naging GF dahil sa pagka torpe ko. DI ko talaga alam makipag usap sa babae nun.
5. Mabaet na bata ako simula nung kinder until HS (well pati College pwede na) never akong na principal’s office. Lagi din akong may perfect attendance award dahil never akong nalate at naabsent. Well umabsent ako pero 7 days lang dahil sa sore eyes. Yung 7 days absences na yun for the entire duration na yung ng HS life ko.
6. Frustrated musician ako. I really wanted to be in a band and play the drums. Feeling ko kasi nasa drums lahat ng emotions and or yung passion nung group. Gustong gusto ko mag aral pero wala naman oras
7. Fantasy ko din kumanta sa isang concert na may full 100% confidence…kaso di naman ako nabiyayaan ng magandang boses.
8. Music ang nagpapa calm saken. If I’m stressed out, a playlist of my songs would do the trick to keep me sane.
9. Kelangan ko din kumaen at least every 2.5 to 3 hours para di maapektohan ang aking mood. Pag masaket na kase sikmura ko di nako maka concentrate or makapag isip ng maayos. Pag busog ako ok lang kahet anong stress ang ibato mo saken. Kahet ilang supcalls pa yan balewala saken yan..basta nakakaen nako
.
10. Homeboy ako. Hindi ako pala gimik tulad ng iba kong barkada. Mas gusto ko lang ang nasa bahay. Nagbabasa or nanunuod ng mga downloaded tv shows. Pero nag eenjoy din naman ako sa mga gimik na pinupuntahan ko.
11. Hindi ako marunong mag tagalog before. English speaking ang dad and mom ko. Nung bata ako up until grade 3 sobrang straight English ako. Yun ang training samen. Although shempre nung nag-aaral nako nabawasan ng unti-unti yung attention and focus ng parents ko kaya unti unti din ako natutong mag tagalog
12. Mabaet ako sa mga taong mabaet din saken. Pero mas gago ako sa mga taong gumagago saken.
13. Logical ako mag-isip. I take into account everything that happened before I arrive at any given conclusion.
14. OC ako sa ayos ng kwarto ko. Malalaman ko na may gumalaw ng gamet ko even at the slightest movement dahil kabisado ko kung saan nakalagay ang mga ito.
15. Nag eat all you can na ko before sa Little Caesars Pizza (nung operational pa ito). Ang order namen ay yung pizza squares na ang kapal ng crust. Naka 11 pizza ako ( di ko alam kung madami nay un pero sa size per slice eh palagay ko susuko ang normal na nilalang)
16. Daydreamer din ako. Minsan natutulala na lang ako dahil may sarili akong mundo.
17. Gusto ko maging System Admin ng isang I.T. dept.
18. Napalayas na ako dati. Dun lang ako nakakita ng lumilipad na damet sa harap ng bahay.
Eto na lang muna for now. Yung iba …tsaka na heheh.